Hindi ko alam kung bakit ako ganito.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo.
Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang pinili ko.
Pero ito lang ang alam kong totoo
Ikaw lng ang minahal ko ng ganito...
Alam mo, minsan di ko alam kung bakit di ka nagtetext.
Nagtitipid ka ba?
Walang time?
O nagpapamiss?
Kasi alam mo, kung nag-papamiss ka lang, effective!!!
Masasaktan ka ba kung iiwas ako sayo?
Kung kakalimutan kita?
Kung magmamahal ako
ng iba? Siguro hindi.
Pero bago ko gawin yun, gusto kong malaman mo na ako ang masasaktan sa gagawin ko.
***
Nangyari na ba minsan yung iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo,
dahil sinaktan ka niya?
Ang sakit sakit, talagang sobrang sakit
tapos maiinis ka na lang dahil tatawag siya at
Hello pa lang niya, napatawad mo na.!
***
Natagpuan mo na ba yung tsinelas ng buhay mo?
Yung the right one for you? Alam mo sayang.
Yung sa akin kasi nawala pa.
Saan ka ba kasi pumunta?..
Di ba masakit kapag inagawan ka?
Di ba masakit kapag niloko ka?
Di ba masakit kapag pinaasa ka?
Pero mas masakit kung umiiwas s’ya kahit na ramdam na ramdam mong mahal na mahal ninyo ang isa’t isa.
Minsan ang love ay para isang ibon.
Kailangang pakawalan, kailangan palayain.
Babalik yun kung sayo pero kung hindi, hayaan mo na.
Baka mas masaya sya sa piling ng iba.
***
Hindi na kita nahintay kasi napagod na ako.
Ayoko nang masaktan kaya hindi na ako umasa.
I’ll try to move on pero babagalan ko.
BAKA SAKALING MAHABOL MO PA KO.
Sabi nila gaga ako kasi daw ikaw ang mahal ko!
Nasasaktan na raw, sige pa rin ako...
Madami pa daw iba, lumingon lang ako. Tama sila.
Madami pa nga diyan. Kaso may problema.
MAHAL KO BA SILA???
Paano kung isang araw iwan na talaga kita?
Hahabulin mo ba ako?
Uubusin mo ba ang oras mo makita mo lang ako?
Iiyakan mo ba ako kasi mahal mo ako?
Hindi siguro kasi kung iisipin ko, pang ilang balik ko na ba ‘to?
***
Mahirap magkunwari na masaya ka.
Mahirap tumawa kahit nasasaktan ka na.
Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang
magmahal ng iba para lang makalimutan s’ya.
Bakit ang tao ’pag mahal mo, iiwan ka?
Kapag iniwan mo, mamahalin ka?
Kapag mahal mo, siya lang talaga.
Pero s’ya naman, may mahal pang iba! Ang sakit, no?
Lintik kasing pag-ibig yan!! NAUSO PA!